GOCC execs isasailalim sa lifestyle check

KAILANGANG tumalima ang mga opisyal ng Government Owned Controlled Corporations (GOCCs) na kusang-loob na sumailalim sa lifestyle check makaraang mabuking ang MWSS na nakakakuha ng 25 buwang  bonus sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Sec. Herminio Coloma na dapat  malaman ng publiko ang estado ng pamumuhay ng isang opisyal ng pamahalaan lalo pa’t ipinag-utos na ni Pangulong Benigno Aquino III na tapusin na ang korapsyon sa bansa.

“Siyempre po, noh. Kailangan pong tumalima sila diyan dahil lahat po ng government officials without exception are also required to periodically file a statement of assets – liabilities and networth. And we have administrative mechanism for checking on their  lifestyle, matter of priorities lang po siguro. Kasi mayroon din campaign ang ating Bureau of Internal Revenue to go after tax evaders but this will certainly be look into. Kasi po marami naman po diyan ay under the administrative supervision of the Office of the President,” aniya pa rin.

Kaugnay nito,  pag-aaralan naman ni Pangulong Aquino ang ipapasang resolusyon ng Senado na magbibigay tuldok sa pagtanggap ng mga “fat bonuses” ng mga opisyal ng GOCCs.

Samantala, mahigit 500 ehekutibo ng GOCCs   ang nadiskubre ng Commission on Audit na pawang mga milyonaryo.

Tinukoy ni Bayan Muna Teddy Casiño ang ulat ng COA na umaabot sa 552 milyonaryo ang nasa GOCC at iba pang ahensya ng gobyerno na aniya’y dapat madaliin ang pagtatama upang makabawas sa lomolobong budget deficit ng bansa.

Dahil dito, isinulong ni Casiño na dapat mapasailalim sa coverage ng salary standardization law (SSL) ang lahat ng GOCC na ayon sa Department of Budget and Management (DBM) ay dapat na tuluyan ng mabaklas sa  national budget.Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply