GOCC execs malungkot ang Pasko

“BLUE Christmas” ang naghihintay ngayon sa mga opisyal ng government-owned and -controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs) matapos suspendihin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang lahat ng allowances, bonus at incentives ng mga ito hanggang December 31, 2010.

Ito ang nakapaloob sa Executive Order No. 7 na nilagdaan ng Pangulong Aquino kahapon.

Bukod dito, nakapaloob din sa kautusan ang moratorium sa pagtataas sa sahod, allowances, incentives at iba pang benepisyo ng mga nasa GOCCs at GFIs.

Kasabay nito, pinabubuo rin ng Pangulo ang isang Task Force on Corporate Compensation na magsasagawa ng review sa lahat ng mga tinatanggap na suweldo at perks ng mga opisyal at empleyado ng mga nasabing korporasyon.

Ang nasabing task force, pagkatapos ng inventory ay magsusumite ng rekomendasyon hinggil sa salary cap ng mga taga-GOCCs at GFIs.

Bubuuin ito ng Office of the President bilang chair, Department of Budget and Management, Department of Finance at Civil Service Commission bilang mga miyembro.

“Section 10. Suspension of All Allowances, Bonuses, and Incentives for Members of the Board of Directors/Trustees. – The grant of allowances, bonuses, incentives, and other perks to members of the board of directors/trustees of GOCCs and GFIs, except reasonable per diems, is hereby suspended for until December 31, 2010, pending the issuance of new policies and guidelines on the compensation of these board members,” ang bahagi ng EO No. 7. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply