Good and bad Santiago ng NCRPO

KAWAWA naman si Regional Director Leocadio Santiago ng NCRPO na nakakaladkad ang pangalan dahil sa katarantaduhan ng kapwa Santiago.

Tinutukoy po ng ULTIMATUM dito si Col. Jun Santiago na Intelligence o R-2 chief ng NCRPO.

Galing Bikol daw itong si Santiago pero ang ‘di malinaw, paano ito naging tulisan nang makarating sa Maynila?

Sa ngayon, nagkakagulo raw sa NCRPO dahil sa kolum ng inyong lingkod pero ang masakit, tuloy pa rin ang pangongolekta ni Pulgas este Aguas pala.

Siyempre pangalan pa rin ni Santiago ang dala nito sa mga iligalista kung si RD o si R-2 ang ipinangongolekta, yan ang hindi na natin alam.

Mabigyan ko kayo, mga Bro, ng kaunting background ukol kay Gen. Leocadio Santiago. Base sa ating panayam sa mga naging tauhan nito, napakahigpit na pinuno nitong  lalo na nang pamunuan nito ang Special Action Force.

Marami ang nasibak at na-dismiss na pulis dahil disiplina ang hanap nito at hindi pulisan o pulis na tulisan.

Sa pagiging matikas nitong “officer and a gentleman”, maaaring ito na rin ang naging dahilan kayat pumalpak ang operasyon ng kapulisan sa naganap na hostage crisis.

Bakit? Dahil daw sa respeto sa upper class na PMA Class 77 na si Gen. Magtibay ‘di na nagawang makialam ng Class 78 na si Gen. Santiago.

Kaya hayun! Dahil sa hindi sanay ang mga SWAT ng MPD… Sumabit!

Dito nyo makikita kay Gen. Santiago kung gaano nito respetuhin ang kanyang upper class kahit mas mataas pa ang kanyang puwesto.

Napakarangal ng pangalan ni Gen. Santiago na dahil lang sa kakarampot na koleksyon sa mga iligalista ay madudungisan ito?

General, naniniwala pa rin ang inyong lingkod na malinis at walang bahid ang kagalang-galang n’yong pangalan.

Huwag nyo naman pong hayaang masira ang maganda naming pagtingin sa inyo.

oOo

Ipinagmamalaki daw ni Aguas na may parating na payola sa ULTIMATUM at nais lang daw natin magpadagdag kung kaya’t inuupakan natin ito sa ating kolum.

Hoy tarantadong Aguas! Harapin mo ako at sabihin mo nang harapan na may tinatanggap ako sayo para masampal man lang kita.

Mauna nang mamatay ang nagsisinungaling sa ating dalawa kasama pa ng ating buong pamilya. Gabain ka sanang punyeta ka!

Hooops! Akala siguro ni Col. Medina ng RPIOU lusot na siya, isa ka pa! Ano yung pinagsasabi mong sad stories sa mga kabaro kong reporter?

Isa ka pang hunghang! Walang hinihingi sa inyo ang ULTIMATUM, ang sa amin, itigil nyo ang katarantaduhan n’yo.

Yan ba ang matuwid na daan na sinasabi ng ating Pang. Noynoy? Kayo ba yung sinasabing gabay namin sa matuwid na daan?

Kung kayo? Abay! Huwag na lang! Dito na lang ako sa Rotonda! Kahit na paikot-ikot lang siguradong hindi ako maliligaw. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply