Gov. Mangudadatu naliligo ng death threats

NANGANGAMBANG malagay sa panganib ang buhay ni Governor Esmael Magundadatu makaraang umani ng mga banta sa kanyang buhay na hinihinalang mula sa mga angkan ng mga Ampatuan.

Dahil dito maging ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay hinihinalang nagpapabaya sa kanilang tungkulin sa pagbibigay ng seguridad sa inmates na nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan nakapiit si Andal Ampatuan.

Nanawagan sa Department of Justice (DOJ) si Maguindanao Governor  Esmael Mangudadatu na rebisahin ang security measures sa Quezon City Jail Extension sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ayon kau Mangudadatu,  balasahin o palitan ang mga jail guard o opisyal doon dahil napansin nitong hindi nakaposas si Andal Ampatuan Jr. habang isinasagawa ang pagdinig, bukod pa rito may natanggap na ulat na tatakas o itatakas umano ito mula sa kanyang piitan.

Sinabi pa ni Mangudadatu na malimit siyang nakatatanggap ng banta sa kanyang buhay upang tuluyang mabasura ang mga kasong massacre na kinasasangkutan ng mga Ampatuan.

Magpapatunay pa sa mga banta ay ang pagkaka-aresto ng isa sa pinagkakatiwalaan at malapit na private army ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na isa rin sa mga inakusahan ng testigo na may derektang partisipasyon sa Nov. 23  Maguindanao Massacre.

Batay sa report ni Senior Supt. Pedro Austria, Regional Dir. Ng Criminal Investigation and Detection Group Central Mindanao, namataan ng awtoridad ang 49-anyos na si Mohades Ampatuan noong Martes ng bagi habang nagta-trabaho sa isang school canteen sa Shariff Aguk. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply