Gretchen Barretto, namamagitan na kina Claudine, Angelica

PALALA nang palala ang usapin kina Claudine B at Angelica P.

Nalulungkot ang star ng Magkaribal na si Gretchen Barretto dahil sa isyu kina Angelica Panganiban at Claudine Barretto na humantong umano sa ‘grave threats’. Sana raw ay hindi humantong sa ganoon. Binigyan tuloy ng dalawang guwardiya si Angel para maging safe ito kahit sa taping ng Banana Split na napapanood tuwing Sabado at 10:30 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes.

Nagdarasal na lang si Gretch na matapos na ito at magkaroon ng kapayapaan sa dalawang kampo.
Sinabi rin ni Gretchen na nalungkot siya na napagsalitaan daw ni Raymart Santiago ng masama si Angelica. Hinihiling niya na sana ay mapakinggan din niya ang side nina Angelica at Derek Ramsay. Importante rin daw kasi na parehong napapakinggan ang side at hindi inuuna ang init ng ulo.

Ayon sa pinaka-latest report tungkol sa hidwaang ito, tinawagan diumano ni Raymart si Angelica at pinagmumura dahil sa mga pangyayari.  Naiyak ang aktres at nagngitngit sa galit si Ramsay nang malaman ito.  Saan hahantong ang kabaliwang ito?

Sa ngayon, may pag-uusap daw ngayon ang kampo nina Angelica Panganiban at Claudine Barretto, pero ayon sa manager ni Claudine, tuloy daw ang demanda.

Pero nagpadala ng demand letter ang legal counsel ni Angelica na si Atty. Joji Alonso kay Claudine. Ito’y tungkol sa “false accusations” at “grave threats” ni Claudine laban kay Angelica.

So, hindi natin malaman ngayon kung ano ang susunod na mangyayari at kung sinong kampo ang talagang aatras o maggi-give way upang matapos na talaga ang usaping ito na sa palagay namin, kung hindi maaagapan ay talagang magiging malaking gulo. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply