Grupo ng mga bading niratrat, 1 ang tigbak

NAGKANI-KANYANG takbo ang grupo ng mga bading nang walang habas na nagpaputok ng baril ang isang tambay at tamaan ang isa sa kanila sa Tondo, Manila kamakalawa ng madaling araw.

Hindi na naisalba ng mga manggagamot ng Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jovet  Allan Lanogan, 22, beautician, ng Gate 62 Area H Parola Compound, Tondo. Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Jepoy Lazaga, siga umano sa nasabing lugar.

Sa ulat ni Det. Roderick Pacilan kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:20 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa may riles ng tren sakop ng  Area A Gate 3 Parola Compound, Barangay 20 Zone 2, sa Tondo.     RENE CRISOSTOMO

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply