GSP humanga sa Pinas

Naging matagumpay ang pagbisita ng sikat na UFC fighter at kasalukuyang kampeon ng welterweight division na si Georges St-Pierre o mas kilala sa bansag na “GSP.”

Sa ginanap na promo tour ni GSP sa SM Mall of Asia Music Hall na dinaluhan ng kanyang mga loyal fans at mga mixed martial arts aficionados ay pinakita ni GSP ang kanyang sikat na muai thai na galaw kasama ang kanyang Thai trainor  na si Sheewin Srisuk.

Sa kanyang paglabas sa entablado ay di napigilan ni GSP na sambitin ang kanyang nararamdaman.

“I am such a shy person. I am overwhelmed. I asked myself, what did I get myself into?”

Bago pa man simulan ang kanyang training ay nag-warm up muna ang kilalang UFC fighter  habang sinasagot ang katanungan ng kanyang mga fans sa isang Q&A portion.

“It’s my first time in the Philippines, the first time in Asia and everything’s been incredible from the warm welcome at the airport. The people are very nice. I plan to come back one day for vacation, or maybe one UFC fight in Manila,” pagbabahagi ni GSP.

Sa loob ng tatlong araw na pagbisita ni GSP sa bansa ay naging abala ito sa mga aktibidades tulad ng press con, radio at tv guestings kasama pa ang sorpresang training kasama si pound for pound boxing champ Manny Pacquiao.

Mayroong record si GSP na 20-2 na kilalang well-rounded player at tumalo sa ilang kilala pang manlalaro ng UFC via knockout. Ilan sa kanyang magagandang laban ay ang laban sa pagitan nina kapwa UFC hall-of-famers Matt Hughes at BJ Penn. Sa Disyembre 11 ay nakatakdang makipagsagupaan si GSP sa Amerikanong si Josh Koscheck sa UFC 124. CT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply