Gusto mong mademanda? Tumulong ka pag may krisis

HINDI tayo mapalagay sa nagaganap kaugnay pa rin ng Luneta tragedy noong Agosto 23, 2010.

Pagkatapos ng imbestigasyon ng Incident Investigation Review Committee, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na maaaring mabawasan o madagdagan ang bilang ng mga posibleng pananagutin sa trahedya na ikinamatay ng siyam katao.

Ngayong nasa kamay na ng legal team ng Malakanyang ang pagrebyu sa resulta ng imbestigasyon, sumisingaw ang balitang madadagdagan ang bilang ng mga madedemanda.

Hindi sila magbabawas.

Totoo ba yan, Communications Group Sec. Edwin Lacierda?

Dahil diyan, dumarami tuloy ang hindi maganda ang pakiramdam.

May nilalagnat, may namumutla, may nagkakaroon ng nervous breakdown at kung ano-ano pang masamang nararamdaman.

Akala ko nga, eh, maatake sa galit itong si Mayor Fred Lim sa paglabas ng kanyang pangalan bilang may sala sa krisis.

Sinasabi tuloy ng ating mga nakakausap, sa susunod na magkaroon ng krisis, yung mga gumawa ng IIRC at nagre-review nito na lang ang itutulak na humawak at makita kung ano ang kanilang gagawin.

At maranasan din nila ang pumalpak, maimbestigahan at mademanda.

Sabi pa nila, ayaw na nilang tumulong baka ipagdadamay sila ng mga magagaling na imbestigador.

Manonood na lang umano sila kahit na magkandaletse-letse ang lahat.

Naku,mahal na Pangulong  PNoy, kapag mangyari ito, ewan na lang kung saang kangkungan pupulutin ang mahal kong Pinas.

oOo

Maalaala ko nga pala ang reklamo ng mamamayan sa paghawak ng mga batang PNoy sa mga nagaganap na krisis o problema sa bansa.

Pati ang ilang senador ay nakahahalata sa malatang management sa pamahalaan.

Sabi ni Senador Joker Arroyo, parang humahawak ang mga taga-Malakanyang ng student council.

Mahihilig ang mga nasa Malakanyang ng mga atras-abante o laban-bawi na gawain.

Ibig sabihin nito, mga Bro, walang tahid at walang sungay ang batang PNoy.

Baguhan at walang matibay na pinanindigan ang mga ito at “may mga gatas pa sa labi?”

Agad namang umangal si Lacierda.

O bakit?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply