Gustong umanib sa frat, nene biniyak

ISABELA – “Sarap o hirap?”

Iyan ang pinagpilian ng isa na namang kabataan na naghangad mapaanib sa isang kapatiran ngunit napariwara nang halayin siya ng dalawa sa mga miyembro ng nais salihang fraternity sa idinaos na initiation rites sa bayan  ng Quezon.

Ang biktima na isang 2nd year high school ay itinago sa pangalang Mitch.
Inireklamo ni Mitch, 13 anyos, ang dalawang kasapi ng Samahang Ilocano (SI) na nakilalang sina Helimar Tagacay at Racmer Valencia, kapwa naninirahan sa Barangay Binagbag, Quezon, Isabela.

Sa salaysay ng dalagita, kinumbinsi siya ng dalawang suspek na sumapi sa kanilang fraternity na nakabase sa Tuguegarao City.

Magiging mas astig umano ang dalagita, ayon sa pambobola ng mga suspek, bukod pa sa magkakaroon ito ng maraming kakampi sa oras na mapa-trouble kaya nahikayat ang biktima na dumalo sa initiation rites na ginanap sa bahay ni Louie Rayo, kasapi rin ng nasabing fraternity sa Barangay Binagbag, dakong alas onse ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw noong September 4, taong kasalukuyan.

Nabatid na piniringan ng mga suspek ang mga mata ng dalagita gamit ang panyo saka siya pinapili kung sasaktan siya tulad ng karaniwang ginagawa sa mga baguhang miyembro o ipauubaya niya ang sarili.

“Sa sex hindi ka masasaktan, masasarapan ka pa,” pahayag umano ng isa sa mga suspek sa nasindak na biktima. Wala nang nagawa ang dalagita nang ihiga siya sa lapag at magkasunod na ginahasa ng mga suspek. Jun Fuentes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply