Haltakin ang naliligaw ng landas na GSIS

SIGURO hindi na lang pakikiusapan ang Government Service Insurance System sa balak nitong maglagak ng puhunan sa ibang mga bansa.

Dapat na haltakin ang tali nito tulad ng paghaltak sa tali ng kalabaw kung ang kalabaw ay nawawala na sa tamang landas.

Kaugnay ito, mga Bro, ng anunsyo ni GSIS senior vice-president for asset management Lorenzo Sixto Lichauco na maglalagak sila ng puhunan sa ibang mga bansa.

Kasalukuyang nakalagak sa mga dayuhang bansa ang $600 milyon at magbubuhos ulit ang GSIS ng nasa $400M bilang puhunan pa rin sa iba.

Sabi ni Senador Ralph Recto, hindi magandang tingnan na naglalagak ang GSIS na isang government financial institution sa mga dayuhang bansa samantalang nangangailangan mismo ang Pinas ng puhunan para sa mga proyekto at pangangailangan nito.

Pinuna pa ni Recto ang liit ng kita sa dayuhang pamumuhunan dahil pitong porsiyento lamang ito.

Para sa atin, tama si Recto na itulak ang GSIS na mamuhunan na lang sa mahal kong Pinas. May karapatan siya bilang isang GSIS member at tama lang naman.

Ang daming mga proyektong dapat maitayo sa Pinas para naman umunlad tayo pero mas naiisip pa ng mga opisyal ng GSI na mamuhunan sa iba.

Hindi na natuto itong mga taga-GSIS sa pagkalusaw ng maraming puhunan nito nitong nakaraang worldwide financial crisis.

Dapat isinasalang na ito sa imbestigasyon upang malaman ang tunay na kalagayan ng salapi ng milyong titser, sundalo, pulis at iba pang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

Mismong ang mga titser at ilang opisyal sa ahensiyang yan ang nagsasabing ang dami nilang foreign investment na nasira dahil sa  financial crisis.

Ano na nga ba ang nagaganap sa GSIS na yan?

Akala ko noon, kakalkalin na ang mga kagaguhan diyan nang matanggal sa puwesto si ex-President/General Manager Winston Garcia.

Ang ng sampung putakte, hanggang ngayon ay malambot yata ang mga nakaupo sa gobyerno sa pagtrato sa mga anomalya sa ahensiya.

Bakit nga ba, mga Bro?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply