Hatton huling humihithit ng cocaine

NAHULI sa camera si boxing legend Ricky “The Hitman”  Hatton habang tumitira ng cocaine matapos ang sampung oras na pakikipag-inuman.

Nagulat din umano ang mga nasa loob ng bar nang makita nila ito ngunit hindi na nila inawat.

Kitang-kita pa siya habang inaayos ang nasabing mga droga.

Niyanig ang buong mundo ng boksing sa iskandalong ito.

Ang nasabing droga umano ay kinuha ni Hatton mula sa kanyang medyas.

Ang kahiya-hiyang larawan at video ng 31-year-old national hero na si Ricky dahil sa kanyang mga panalo ay pinagpipiyestahan na ngayon sa internet.

Natuldukan ang career ni Hatton ng malasap nito ang  kahiya-hiyang pagkatalo sa kamay ng Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na komento ang kampo ni Hatton hinggil sa nasabing iskandalo.  GP

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply