Hindi dapat balewalain ang sore eyes

PINAALALAHANAN ang lahat ng mga residente na hindi dapat balewalain ang sakit na sore eyes dahil posibleng magkaroon ng diperensiya ang kanilang mga mata sakaling dapuan ng karamdamang ito.

Base sa inilabas na pag-aaral, posibleng maapektuhan ang paningin ng sinumang tao na dadapuan ng sakit na sore eyes kaya’t hinikayat ang mga tao na pag-ingatan ang kanilang mga mata.

Dahil sa patuloy na pabago-bago ng panahon ay marami ang posibleng magkaroon ng sore eyes kaya’t dapat na alamin  kung ano ang mga tamang gagawin sa tuwing mangangati ang kanilang mga mata.

Kabilang sa mga paraan upang makaiwas sa sakit na sore eyes ay ang madalas na paglilinis ng kamay, iwasang gumamit ng panyo nang higit sa isang beses, huwag kusutin ang mata ng kamay kapag nakakaramdam ng pangangati, gumamit ng tissue kapag nagtatanggal ng dumi sa mata at palaging gumamit ng rubbing alcohol sa tuwing hahawak sa mga bagay na posibleng may mikrobyo.

Huwag basta maniwala sa mga pamahiin kung paano napapagaling ang sakit na sore eyes dahil posibleng lalo pang magkaroon ng problema kapag nagkaroon ng inpeksiyon ang mga mata.

Isa rin sa posibleng maging epekto ng pagka-inpeksiyon ng mga mata dulot ng sore eyes ay ang tuluyang paglabo ng mata at kung tuluyan pa itong pababayaan ay posible pang mauwi sa pagkabulag.

Kabilang din sa mga sintomas ng sakit na sore eyes ay ang pangangati ng mata, pamumula ng buong mata, madalas na pagmumuta, panlalabo ng paningin at hirap na pagdilat pagkagising.

Huwag ipagwalang-bahala ang sakit na ito dahil isa ang mata sa mga pinaka-sensitibong bahagi ng katawan kaya’t ipinapayo na magpakonsulta sa mga health centers ang sinumang magkakaroon ng sintomas ng nasabing sakit.

FOCUS ON FIGHT VS. DENGUE

Hindi na kaila sa atin na sa malinis na tubig nabubuhay ang mga lamok na may dala ng nakamamatay na dengue, kaya kailangang araw-araw o kahit na gawing oras-oras ang paglilinis para masiguro ang kaligtasan ng mga mahal sa buhay.

Karaniwan kasi na katulad ngayong tag-ulan at ang ilang kababayan ay may mga nakapatong na lumang gulong sa kanilang mga bubungan bilang panangga sa malakas na hanging dulot ng mga bagyo.

Ipinakiki-usapan na tanggalin na ninyo ang mga iyan dahil ang mga naiipong tubig  ang pinamamahayan ng kiti-kiti na nagiging lamok na may dalang dengue.

Ganu’n na rin ang mga lalagyan ng tubig na hindi natatakpan at hindi naman kaagad nagagamit dahilan upang doon na magsimulang mamuhay ang mga lamok na maaring humantong sa pagkaka-ospital o kamatayan,.

Dapat na hindi tumigil sa pagpapa-alala at pagbibigay ng impormasyon sa mga kababayan, na ang kalinisan ang magiging susi sa isang maayos at mabuting pamayanan.

Kailangang ingatan natin, lalo na ang mga kabataang na mas madaling tamaan ng mga sakit na dulot nang pababalewala sa mga paalala, kailangang maging malinis ang  pamayanan at maging sa bansa saka sa mga susunod pang henerasyon.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa paligid, maaari kayogn mag-text sa CP#09213812053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply