Di raw ka-level: Marian never magso-sorry kay Bela Padilla

MALI ANG report sa ibang tabloids noong September 14 na naunang dumating sila Bela Padilla sa GMA compound ng 2 p.m. kasama ng business manager nito na si Claire dela Fuente, Yda Ynarez ng GMAAC o Artist Center kaysa kina Marian Rivera at sa manager nitong si Popoy Caritativo.

Nang ipatawag ang dalawang actress(Marian and Bela) nina Wilma Galvante at Atty. Anette Gozon-Abrogar para pagbatiin, ang chika pa ng aming informant halos magkasabay lang na dumating ng GMA sina Marian at Bela.

Kaso, mo dahil nag-prima donna naman at ayaw nitong magkasabay sila ng kinawawang newcomer(Bela) hayun, wala raw ginawa ang Marianitang supladita na ito kundi ang mag-ikot-ikot muna sa compound ng GMA.

Narinig siya ng aming source na habang papunta sa opisina ni Atty. Annette Gozon, ang malditang Marianita ay nagdadabog at panay-panay ang dialogue at pagtawag ng starlet kay Bela at bakit raw siya hihingi nang tawad rito eh, hindi naman daw niya ito ka-level at kung anu-ano pang mga degrading words ang mga pinagsasabi nito patungkol lahat kay Bela.

Heto pa, noong ipakita sa 24 Oras nina Mel Tiangco at Mike Enriquez ang video footages ng pag-aayos kuno ng Endless Love stars ay kitang-kita ang pag-ismid ni Marian dito kay Bela habang kuntodo nakangiti naman ang huli na mararamdaman mo na sincere sa pagbabating ‘yun nila ni Marian.

May tao rin kaming nakausap na nasa loob ng office ni Atty. Annette Gozon na grabe raw kung pandilatan ng mata ni Marianitang gurang itong si Bela.
Tumigil lang daw ito sa kakatitig niya ng tingnan siya ng masama ni Claire dela Fuente. Isa pang hindi kagandahang asal na ginawa ng bruhildang actress ay nang hilingin siya ng picture taking ng isa sa staff ng GMA 7 with Bela para sa press release ng reconciliation nilang ‘yun.

Buong ningning raw na tumanggi ang hitad sabay irap nito at salita ng “no need.” Ipinaramdam at ipinakita talaga ng impaktitang actress ang totoong anyo ng kanyang kamalditahan at kayabangan.

Well, sa pagkakataong ito ay super-vindicated naman sila Bela sa pangyayari dahil ngayon ay unti-unti ng umeepekto sa career ni Marianita ang kanyang ka-negahan. Ayon pa sa nakarating sa aming news ay pinalitan ni Anne Curtis si Marian sa pag-iendorso nito ng SM Residences na pag-aari ng SM Malls. Malapit na raw ibaba ang mga nagkalat ng billboards ng palaaway na aging actress.

Honestly, aminin man o hindi ni Marianitang ilusyonada ay malaking kawalan for her ang nawalang endorsement niyang ito. Malaking kasiraan rin sa iba pa nitong mga pino-promote na produkto ang masamang imahe sa publiko. Very taboo sa mga advertiser ang mga celebrity na pasaway dahil sa makakasira ito sa sales ng kanilang products. Iyan ang dapat na ipagdasal ngayon ni Marianitang okray, ang hindi tuluyang maturn-off sa maldita images niya ang mga advertising agency na mga kumukuha sa kanyang serbisyo.

Kapansin-pansin na ilang araw ng hindi ini-ere ang TVC ng mataray na actress. ‘Yun na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply