HK travel ban sa Pinas mananatili hangga’t walang resulta ng hostage probe

MANANATILI  ang travel ban ng Hong Kong laban sa Pilipinas  hangga’t hindi natatapos ang full report sa  madugong hostage dra-ma noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon kay Tourism Board chairman James Tien Pei-chun, marami pang usapin ang hindi pa nalilinawan sa madu-gong hostage na ikinasawi ng  walo nilang kababayan.

Ang pahayag ng Tourism Department ay bunga ng  pagsisimula ng trabaho ng Incident Investigation and Review Committee.

Sinabi pa ng Hong Kong Tourism Board na ang ipinataw nilang black travel alert laban sa Pilipinas ay mana-natili hangga’t hindi nila nakikita ang isusumiteng resulta ng imbestigasyon.

Kamakailan ay iniulat na nagsisimula na ang sibakan ng mga OFW sa Hong Kong dahil sa galit sa  pagkakapaslang ng kanilang mga kababayan.

Ngunit , nakisama naman ang dating Hong Kong chief secretary na si Anson Chan Fong On-sang sa panawagan sa kanilang mga kababayan na huwag idamay ang mahigit 100,000 overseas Filipino workers sa kanilang pagkamuhi sa nangyaring hostage crisis.

Katwiran nito ay  hindi da-pat na idamay ang mga Pi-noy sa kanilang galit dahil hindi ito makakatulong at wala ring kinalaman ang mga ito sa trahedya. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply