Hukom, mahistrado pinagre-resign ni Farinas

PINAGBIBITIW na sa pwesto ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang lahat ng mga hukom at mahistrado kasunod ng bantang judicial revolt dahil sa kakulangan ng pondo ng hudikatura.

Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Fariñas na hindi na dapat mamalagi sa posisyon ang mga hukom kung naliliitan sa kanilang sweldo at mga benepisyo.

Tinukoy pa ng kongresista na hindi dapat nagbabanta ang mga taga-hudikatura ng ganitong uri ng protesta dahil kinikilala sila at iginagalang sa lipunan.

Ipinagmalaki pa ni Fariñas na maraming maaring pumalit sa mga nag-aalborotong judges at mga justices.

Katunayan, sa kaniyang tanggapan, marami na umano ang mga abugadong dumulog at humingi ng tulong na maitalaga bilang mga hukom at mahistrado.

” I challenge all judges and justice of the SC if they feel that their salaries are low they should resign their position. I say this because I have hundreds of lawyers coming to me asking that we recommend them to be judges and justices and now if they feel that they are underpaid they should just resign because of low pay, then they would have earned my respect,” ayon pa kay Fariñas.

Binigyang diin din ni Farinas ang naunang desisyon ng Korte Suprema na ang mga kawani ng gobyerno ay hindi maaaring magsagawa ng ” mass leave of absence” o “concerted efforts to paralyze the government.”

Kailangan aniya mapagsabihan ang mga hukom at mahistrado sa anumang balaking protesta.

“It would have been proper for the spokesman of the SC to warn these judges they cannot threaten the public to go on mass leave of absence,” sinabi pa ni ni Fariñas.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply