Human trafficking gagamitan ng kamay na bakal

GAGAMIT na ng kamay na bakal ang pamahalaan  laban sa human trafficking.

Tiniyak ni Pangulong  Aquino  na maaasahan na ng publiko na may maaaresto na sangkot sa illegal  na aktibidades na ito.

Inamin nito na matagal na siyang nakatutok sa aspetong ito kaya’t titiyakin niya na maipapatupad ang mabigat na batas na nakaumang para rito.

Sa katunayan ay magsasanib puwersa ang  Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Justice (DOJ) para sugpuin ang human trafficking.

“May ongoing pong paghahabol ng mga kinauukulan, yung mga nag e-engage sa illegal human trafficking. Nakafocus po ang DOLE saka yung DFA at DOJ diyan sa problemang yan,”  wika ni  Pangulong Aquino.

Nakarating sa kaalaman ng Punong Ehekutibo na apat na kaso lang ng human trafficking ang ipinayl (file) gayong mahigit 100 katao na nagiging biktima nito araw-araw.

“365 days in a year.  Bakit ganun lang na file na kaso? Kami ho hindi puwedeng I reveal sa inyo ang detalye at baka mag lie low itong mga taong ito. poro matagal na akong nakatutok, may hinihintay na akong pag aresto soon at mas focused po kami.,..mabigat po yung mga batas natin e. Kailangan ho mapatupad,”  pagdidiin ng Pangulo. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply