Hustisya sa tinepok na OFWsa Jordan hiniling

HUMIHINGI ng tulong sa pamahalaan ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na bumalik na bangkay na sa kanilang lalawigan.

Pawang hinagpis at galit ang namamayani sa pamilya ng biktima mula Amman, Jordan matapos makita ang kalunos-lunos na bangkay ng kanilang mahal sa buhay nang dumating sa North Cotabato.

Batay sa pahayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 12 Director Jimmy Omag, noong Setyembre 13 dumating ang labi ni Janice  Joy Pampangan, 26, at residente ng Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Omag, halos buto’t balat na lamang ang biktima, wala na ang kaliwang mata, may marka ng posas o kadena sa mga kamay at paa at may mahabang kuko na indikasyon umano na minaltrato at ikinulong ito ng matagal na panahon.

Hindi rin umano kompleto ang dokumento ng biktima at maging ang petsa kung kailan ito namatay ay hindi madetermina.

Noong taong 2005 pa umalis sa bansa ang biktima at nagtrabaho bilang domestic helper sa Jordan ngunit hindi ito pinahintulutang makauwi kahit minsan ng kanyang employer hanggang sa taong kasalukuyan.

Ilang beses umanong nakausap ng ama nitong si Rev. Faustino Pampangan ng Alliance Church ang employer ng anak at pawang magaganda naman ang ipinapaabot ng nasabing employer.

Inihayag din ng kanyang pamilya na sa loob ng limang taon, tatlong beses lamang nakatanggap ng sahod ang biktima.

Dahil dito, humihingi ng tulong ang pamilya ng biktima na mabigyan ng hustisya ang nangyaring pagmamalupit na nagresulta sa kanyang kamatayan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply