H’wag gawing escape goat ang media sa kapalpakan

Marami ang umalma sa resulta ng report ng Incident  Investigation  and Review  Committee (IIRC) ni DOJ Sec. Leila de Lima na isi-nasama ang mga kasapi ng media sa kapalpakan sa madugong hostage-taking noong August 23 sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Nakatatawang  nakaiinis ang ipinalabas na report base sa isinagawang review ng nasabing komite kung saan kabilang ang mga kasapi ng media at tatlong TV network sa gustong bigyan ng sanction at kasuhan.

Sa unang sigwada pa lang ng komposisyon ng komite ay parang komedya ang mga pinag-uusapan.
Gaya ng crime crusader (kuno) na si Teresita Ang See na kung umasta sa pagtatanong ay masusuya ang mga nanonood at nakikinig sa kanya dahil sa daig pa niya ang nakikipagtsismisan sa palengke kung magtanong.

Kumbaga ay bara-bara  siya magtanong lalo na  sa mga taga-media  na nakasalang.

Akala mo kung sino siya, with matching pagtataray pa. Maging si DILG Sec. Jesse Robredo na kitang-kita naman sa mga TV footage na pupungas-pungas pa at mistulang nakapambahay na t-shirt nang samahan ni Pang. Noynoy Aquino sa crime scheme.

E, kung hindi nga dahil sa media ay hindi malalantad sa mata ng publiko ang mga kapalpakan ng gobyerno, partikular na sa paghandle sa nabing hostage-taking.

Galit lang ang Malakanyang sa media dahil sa mis-tulang malaking sampal ito sa kanilang kakayanan na humawak ng mga ganitong ka-sensitibong sitwasyon.

Ang media kasi ang lantarang nagpakita sa taumbayan kung gaano kabobo at iresponsable ang kasalukuyang administrasyon partikular na yaong mga nasa sensitive post na pawang hilaw   ang  kaalaman o talagang hinugot lamang mula sa kawalan.

Hindi ba?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com. Juan de Sabog/Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply