Ika-apat na estrelya ni Bacalzo ikinabit ng pinakabatang opisyal

SA isang simpleng pinning of ranks ceremony ay iginawad sa bagong talagang PNP chief, Deputy Director General Raul  Bacalzo, ang kanyang ika-apat na estrelya o ranggo bilang Police Director General.

Ang kanyang promotion na inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino   na  pinakamatas na ranggo sa pambang kapulisan base sa rekomendasyon ng National Police Commission.

At sa halip na mga kilalang personalidad o opisyal ng bansa ang magkabit ng bagong estrella kay Bacalzo, pinili nito ang pinakabatang police officer na si Insp. Lyndon Espe, 22, mula sa grupo ng Special Action Force.

“I am humbled by this expression of trust and confidence by President Aquino, in my modest personal achievements to deserve this promotion,” ani Bacalzo.

“My designation as Chief PNP and promotion to the highest rank in the police service will serve as driving force that will motivate and inspire me more to pursue my mission the best of my ability,” Bacalzo pahayag pa ng bagong director gnberal sa harap ng mga kasapi  PNP Command Group, Directorial Staff at iba pang mga opisyales ng PNP.

Si Bacalzo ay hinirang bilang ika 16th PNP Chief  noong Martes kapalit ng nagretirong si Director General Jesus Verzosa .
Ito ang kauna-unahang  PNP Chief na kasapi ng Philippine Bar at pumang-12  sa  1984 bar examinations na may  rating na  87.43%. VERLIN RUIZ

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply