Ilustrador dedbol sa drawing na unggoy

NAPATAY sa saksak ang artist ng National Museum nang mainsulto ang isa niyang kabarangay sa iginuhit niyang larawan ng unggoy na nakalagay sa ilalim ang palayaw ng suspek kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Hindi na nagawang maisalba pa ng mga doktor sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang buhay ng biktimang si Jaime Bruma, residente ng 292 Almazor St., Brgy. 185 sa naturang lung-sod bunga ng malalim na saksak sa dibdib at tiyan.

Nakatakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Totoy Unggoy, residente rin ng naturang barangay.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Cris Gabutin at PO3 Nestor Rubel ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, naglalakad umano pauwi ang biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Almazor St., nang salubungin ng suspek at kaa-gad inundayan ng dalawang saksak sa dibdib at tiyan ng biktima.

Nasaksihan naman ni Brgy. Kagawad Roel Ramos at tanod na si Edwin Guillermo ang pangyayari kaya’t sila na ang nagsugod sa biktima sa naturang pagamutan.

Napag-alaman na bago naganap ang krimen, gumuhit umano ng larawan ng ung-goy ang biktima ngunit may naglagay sa ilalim na bahagi nito ng pangalang Totoy na umano’y labis na ikina-insulto ng suspek. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply