Marcos pinagbabayad ng P12M ng Sandigan

Inatasan ng Sandiganbayan si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na bayaran ang National Food Authority ng mahigit P12 million.

May kaugnayan ito sa naging kautusan noong 1983 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na ilipat ang P10 million mula sa NFA patungong Security Bank.

Ayon sa Sandiganbayan, iligal ang ginawang paglilipat ng pondo ng dating Pangulo.

No comment pa muna ang dating First Lady dahil hindi pa nito nababasa ang kabuuan ng nasabing desisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply