Immigration officers sa NAIA nagsagawa ng silent protest

Nagsuot ng yellow arm band ang mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport bilang protesta sa umano’y walang prosesong pagkakakulong ng isa sa kanilang kasamahang immigration officer.

Nagsimula ang silent protest sa pamamagitan ng pagsuot ng yellow arm band ng mga immigration officer sa NAIA Terminal 1, 2 at 3 at  gagawin din ng ibang immigration officers sa buong Pilipinas.

Mahigit sa 1000 immigration officer ang magpapakita ng kanilang simpatiya sa inarestong immigration officer na si Luzviminda Herrera na inakusahang sangkot sa human smuggling.

Sa panayam kay Jocelyn Calumpag, duty immigration officer sa departure area ng  naia terminal 1 at kabilang sa mga immigration officer  na nagsuot  ng yellow arm band,  hindi dumaan sa due process ang pag-aresto kay Herrera na isang model employee ng immigration.

Masamang pamamaraan umano ang pag-aresto kay Herrera dahil wala man lang warrant  o imbestigasyon  bago ito isinagawa.  Ding Villanueva

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply