Impeachment vs Ombudsman ipinatutuloy

DAPAT lang matuloy ang proseso ng impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierez sa Kamara kahit harangin pa ito ng Korte Suprema.

Ito ang naging panawagan ni Deputy Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na kilalang kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo ang naghahamon sa Kamara na ituloy ang proseso ng impeachment sa kabila ng status quo ante order ng SC.

Sa kaniyang privilege speech , sinabi Magsaysay na dapat manindigan ang lahat ng Kongresista at magkaroon ng iisang pagkilos na hindi dapat sundin ang atas ng Korte Suprema bilang co-equal body nito upang proteksyunan ang Kamara.

” Encroaching on our legitimate and rightful work to determine if there are sufficient grounds to impeach Merceditas Gutierrez is a clear disrespect by the SC of a co-equal branch of government such as this House of Representatives,” sinabi ni Magsaysay.

Sa September 28 at 29 ang susunod na pagdinig ng House Committee on Justice sa Gutierrez impeachment at dito tutukuyin kung may sapat na ground upang tuluyang imbestigahan ang ombudsman.

Iginiit ni Magsaysay na pinoprotektahan nya lamang ang proseso at institusyon ng kongreso.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply