Indonesian nag-suicide dahil sa inis sa ka-live in

ANG pagkabuwisit sa kinakasama ang nagtulak umano sa isang Indonesian nursing student ng Saint Jude College na tumalon mula sa ikalimang palapag ng tinutuluyang condominium sa Parañaque City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, natagpuan ng security guard ang bangkay ng biktimang si Binsar Bob Hassan Bangun Napitupulu, 23, sa basement ng gusali ng Bandung Building na nasa 501 Raya Garden, West Service Road, Merville, dakong alas-8:18 kamakalawa ng umaga.

Isinugod pa sa Pasay City General Hospital ang duguang biktima subalit patay na ito nang madala roon.

Nabatid na tumibay ang teorya ng pulisya na nagpatiwakal ang dayuhan nang matagpuan sa ibabaw ng kanyang mesa ang liham na punong-puno ng pagkapoot sa kanyang live-in partner na nakilalang si Cindy Cacal.

Ipinabatid na ng pulisya sa Indonesian Embassy ang insidente. Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply