Iniwan ng syota nagbaril sa bibig

AGUSAN DEL SUR-Pinili ng binatang kasapi ng  Special Civilian Armed Auxilliary (SCAA) ang magpatiwakal matapos umanong makipagkalas ang nobya sa  Brgy. Ma-nat, bayan ng Trento, sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Crame, isinubo ng biktimang si Jona-than Minoza, 24 anyos, naka-talaga sa Agusan Plantation Inc. at kasalukuyang naninira-han sa nasabing lugar ang dalang armas na M14 rifle saka kinalabit ang gatilyo nito.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Trento Muni-cipal Police Station, sinasa-bing ang pakikipagkalas ng hindi pinangalanang nobya ang nagtulak sa binata na magpakamatay.

Nabatid na ang ama ng biktima ang nagbigay sa kan-ya ng M14 rifle upang maga-mit nito sa pagbabantay sa plantasyon.

Sa kabila nito, nagsasa-gawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang mati-yak na walang foul play sa insidente. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply