Isnatser nalambat dahil sa tili

NADAKIP ang isang snatcher matapos magtitili ang inagawan nito ng bag na nakasakay sa isang pampasaherong jeep, sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Mark Roldan Bardolosa, 18, ng 10th ave. ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-5:30 ng madaling araw, kasakay ng suspek ang biktimang si Maritess Sta. Ana, 37 ng Tailoring st., Maypajo, Caloocan City at pagsapit sa C-3 rd., ng lungsod ay pumara si Bardolosa.

Pagbaba ng jeep ay biglang hinablot ng suspek ang bag ng biktima bago kumaripas nang takbo.

Nagtitili naman ang biktima na nakatawag ng pansin sa nagrorondang mga pulis na naging dahilan nang pagkakadakip sa nasabing isnatser. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply