Iza Calzado, bubulaga na bilang EB Dabarkads

Yes, isang multi-talented celebrity na naman ang maidadagdag sa listahan ng mga kinagigiliwan nating panoorin everyday na EB Dabarkads sa Eat Bulaga, like Pia Guanio, Julia Clarete, Ruby Rodriguez, Pauleen Luna may dating rin at mahusay sa hosting ang artistang ito. At siya ay walang iba kundi si Iza Calzado.

After ng successful Anaheim live show ng Bulaga sa Heritage Forum sa Los Angeles, California ay iwe-welcome na ng buong EB Dabarkads ang bagong co-host nilang si Iza. And for sure, ay magki-click kaagad si Iza sa pag-join niya sa pagho-host ng ilang segments sa Eat Bulaga. Very articulate rin ang nasabing actress at bagay na bagay silang magsama ni Pia sa pagho-host ng “Sa Pula, Sa Puti” Kontrapelo.

Puwedeng-puwede rin ito sa “Keri Mo Teh” na pakulo challenges ng Bulaga Every Saturday. Magandang idea rin kung i-tandem si Iza kay Ryan Agoncillo. WALANG LUSOT/Peter S. Ledesma

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply