Janice de Belen, best actress sa 2010 Young Critics Circle

ISTARIRAY si Janice de Belen dahil solong-solo niya ang pagiging Best Performer sa ika-20 Young Critics Circle Annual Citations for Distinguished Achievement in Film.

Yes, siya lang ang nanalo sa isa pang respetadong award-giving body sa Pilipinas.

Walang mga Best Actor o Best Supporting Actor o Actress kundi Best Best Performer lang maging ito ay kolektibo at isahang pagganap.

Ang pelikulang pinanalunan ni Janice ay ang “Last Viewing” na idinirek ni Ronnie Bertubin.

Kaya naman naglulukso sa tuwa si de Belen nang malaman niya ito. Ganito rin ang kanyang napanalunan sa Pasado nitong taong ito.

***

Wala ring Best Director ang YCC kundi ang gawad ay ibinibigay sa gumawa ng Best Film at ngayong 2010, ang nagwagi ay si Ralston Jover para sa “Bakal Boys (Baseco)” na siya ang direktor.

Natalbugan ni Ralston ang dati niyang iginagawa ng mga iskrip na sina Brillante Mendoza at Jeffrey Jeturian pero magkakaibigan naman ang mga ‘yan kaya inihahandog nila sa isa’t isa ang karangalan.

Ang nanalo naman ng Best Screenplay ay si Armando “Bing” Lao para sa kanyang “Biyaheng Lupa” na siya rin ang direktor.

Best Cinematography and Visual Design ang “Bakal Boys (Baseco)”  at Best Sound and Aural Orchestration din ang “Biyaheng Lupa.”

Best Editing naman ang “Engkuwentro” ni Pepe Diokno.

Wala pang eksaktong lugar at petsa ang pagpaparangal ng asosasyon nina Patrick Flores, Noel Ferrer, Romulo Baquiran, Jr., Jerry Respeto, Nonoy Lauzon, Eli Guieb, Eillen Ramirez, Jason Jacobo at iba pa na mga bonggadora.

***

Ang maghahatag pa ng mga parangal sa pinakamahuhusay sa showbiz ay ang Famas at ang Luna Awards, ang huli ay ang pagbibigay-parangal ng Film Academy of the Philippines .

Inaasikaso na ni Junne Quintana ang pagpapaganap sa Famas at si Leo Martinez naman ay ginagawa ang kanyang magagawa para maidaos din ang Luna Awards.

Samantala, nagtatanong naman ang masugid na tagahanga ni Vilma Santos at peryodistang pampelikula na si Willie Fernandez kung sino ang mananalo sa Gawad Apolinario Mabini ng Polytechnic University of the Philippines.

Ayon kay Willie, ang isa sa mga tagapag-organisa ng Gawad Mabini ay si Pit Maliksi. “Kung siya ay isa sa mga organizers, si Orang ang mananalo d’yan,” sabi ni Fernandez.

Ang iniika ni Willieng Orang ay si Nora Aunor.

***

Napapag-usapan na rin lang si Nora.

Masama ang loob ng mga Noranians sa ABS-CBN.

Ito ay may kaugnayan anang mga Noranians sa plugging ng Channel 2 sa mga Filipinong nakapag-ambag ng karangalan sa Pilipinas na kinabibilangan nina Dante Mendoza, Venus Raj, Manny Pacquiao at iba pa.

“Bakit wala si Nora? Unfair ‘yan. Bakit hindi nila isinali sa listahan ang Philippines’s one and only acknowledged Queen of all Media Superstar na si Ms Nora Aunor? It is because in 2008, ang pelikula ni Ms. Nora Aunor na ‘Himala’ ay itinanghal ng CNN bilang Asia Pacific Greatest Film of all Time.

“And recently, itinanghal si Ms. Nora Aunor as World International Greatest Actress of the Decade in Asia given by the prestigious Green Globe Planet Movie Award in Hollywood !” pahayag ni Lito Sibonga, ang walang pagmamaliw na Noranian. Extra! Extra!/Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply