Janitor nagbigti dahil sa problema

MATINDING problema sa buhay ang dumapo sa isang janitor  kaya minarapat na lang nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rodel Colanag, 30, ng 12 Moral st., Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, sa naturang lungsod.

Inabutan na lang ng asawang si Kaye Colanag ang biktima na nakabigti sa kisame ng kanilang sala, dakong alas 2:15 ng madaling araw.

Sa ulat ni SPO1 Randy Escobido, may kakaibang ikinikilos si Colanag at madalas balisa saka tuliro simula pa noong Hulyo bago naganap ang insidente.

Ayon sa mga kasambahay na ayaw mapabanggit ng pangalan, huli nilang nakitang buhay ang biktima ganap na ala 1:00 ng madaling araw habang nagpapahinga sa bahay nito.

Nabatid na walang kaaway sa lugar ang nagpatiwakal at madalas na tahimik saka wala namang nababanggit na problema sa mga kasamahan nito.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng CIDU sa  insidente upang matukoy ang motibo nang pagpapakamatay ni Colanag. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply