Jason Abalos, makalusot kaya kay Shaina Magdayao?

MALIIT LANG ang mundo para kina Jason Abalos at Rayver Cruz.

Aminado pa si Jason na madalas siyang mapagkamalang si Rayver.

Kahit sarili niya, namamalik-matang siya si Rayver. “Minsan nga po, nasa isang lugar ako, nakalimutan ko na kung saan ‘yon, may nakadikit na litrato. Nang bigla kong tingin, si Rayver.

“Tapos, tiningnan ko ulit, ako pala. Titingnan ko ulit talaga para makasiguro. Kasi, kamukhang-kamukha po siya ni Rayver. Pero talagang ako, e. Walang duda, ako po ‘yon,” kuwento ni Abalos.

Marami rin ang nagsasabi na kahawig ni Jason si JC de Vera at inamin din ni Abalos na marami rin ang nagsasabi ng gano’n.

***

Hindi nga ba’t noon ay idinawit pa si Cruz kay Shaina Magdayao at nagregalo pa ang binata ng poodle sa batang aktres nang magkasama pa sila sa pelikula?

Gayunman, hindi nagtagal ang kabanatang ‘yon sa buhay nina Rayver at Shaina.

Nagkaroon ng John Prats si Magdayao pero nand’yan pa rin si Cruz at naghihintay.

Hanggang si John Lloyd Cruz na ang lumutang na tunay na kasintahan ni Shaina.

Pero nananatiling dark horse si Rayver. Paano ngayon ‘yan?

Si Jason ay ang pinakahuling makakapareha sa telebisyon ni Magdayao, sa soap opera na “Aleena”?

Kahit na may John Lloyd na ang nakababatang kapatid ni Vina Morales, makasingit kaya si Abalos sa tigib na pag-iibigang ito nina Lloydie at Shaina upang maungusan pa si Rayver?

“Wala po ‘yon. Magkaibigan lang kami ni Shaina. Trabaho lang po ‘yon. Wala pong kahalong personal ‘yon,” paglilinaw ni Abalos.

***

Ang hindi kaya ipinagtagumpay na pag-ibig ni Rayver ay isasalba ni Jason dahil napapagkamalan silang iisa?

Ayon kay Abalos, iisa ang kanilang home studio kaya nagrerespetuhan silang mga aktor.

Hindi nga nakikipag-intrigahan si Abalos kahit kanino. Mas gusto niyang magpaka-low profile.

“Wala rin po akong night life. Kami-kami lang nina Matt Evans at Direk Malou Sevilla ang laging magkakasama. Kuwentuhan lang at madalang pa kaming lumabas. Sa mga bahay-bahay lang kami nagkukuwentuhan,” pagtatapat ni Jason.

***

Samantala, dahil Cebuano rin si Pilar Pilapil ay may mga paksyon na pinag-aaway ang mestisang aktres at si Gloria Diaz.

Ito ay dahil nga sa hindi magandang pagtanggap ng mga Cebuano sa panayam ni Gloria sa TV kaugnay sa pagsagot ng mga kalahok sa Miss Universe Question and Answer portion.

Pero naninindigan pa rin si Diaz na wala siyang sinasabing masama at malasado laban sa mga Cebuano na mga kababaya ni Pilar.

Ipinagbabawal ng mga Cebuano ang pagpasok ni Gloria sa Cebu at idineklara na siyang persona non grata ng pamahalaan.

“Walang problema sa amin ni Pilar. She’s a dear friend. Matagal ko na siyang hindi nakikita. Send my regards to her. She’s a nice lady and I think wala siyang kinalaman dito sa isyung ito,” sabi ni Gloria, ang 1969 Miss Universe. Boy Villasanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply