Jewel Mische, iniwan ni Richard Gutierrez

Malakas ang bulung-bulungan na sisimulan na ni Willie ang bago niyang show sa TV5 sa Oct. 10 (10-10-10 ito pa raw masuwerte). Pero naibalita na rin na nagpadala na ang legal department ng ABS ng sulat sa TV5 warning the station na kung kukunin nito si Willie bilang talent ay maisasama ito sa demandan ihahain nila sa TV host.

Samantala nakaabang ang lahat lagi sa latest na balita sa gerang ito sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN. Abangan ang susunod na kabanata.

*********

Todo support nga si Richard Gutierrez sa kanyang bagong show na Survivor Philippines Celebrity Showdown to the point na inamin na rin niya on national TV na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Jewel Mische sa guesting niya sa Showbiz Central last Sunday.

Hindi na nasopresa ang mga taga-showbiz sa pang-amin na ito ni Richard kasi it’s an open secret na ito within the industry. ‘Yun nga lang, tulad ng ibang showbiz couples, saka lang siya umamin kung kailan break na sila ni Jewel. So what else is new?

Ayon kay Chard, nagkaroon siya nang pagkakataon na mag-isip at magmuni-muni regarding his relationship with Jewel at finally ay nakapagdesisyun siya na tapusin na ito at mag-concentrate na lang sa kanyang career (since mukhang marami namang against dito right from the very start).

Pero aminado rin si Chard na nananatiling nasa isang special place sa kanyang puso si Jewel at may communications pa rin sila hanggang ngayon ng young actress. Siyempre hindi naman ganoon kadali ang mag-severe ng ties sa isang love one.

“Sa maniwala kayo o hindi, single ako ngayon,”announcement  ni Chard sa lahat making the break-up official.

Ngayong break na sila ni Jewel, inaasahan na namin na lalabas na sa kanyang lungga si Jewel at babalikan na ang kanyang naunsyaming career. Yes, marami na rin siyang isinakrispisyo in the name of love. Tinanggihan niya ang mga projects na kailangan niyang makipag-love scene sa kanyang mga leading man para protektahan ang relasyon nila ni Chard noon.

Inaasahan na namin na magiging aktibo na siya ulit sa pag-aartista tulad nang nangyaring second coming din ni Jackie Rice dati pagkatapos na mag-end na rin ang masalimuot na relasyon nito kay Biboy Ramirez.

Palagay naming parehong mage-gain sina Chard at Jewel sa break-up nila.  Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply