Joey de Leon, ok lang makasama sa network si Willie wag lang sa show

WALA raw problema kay Joey de Leon kung makasama man niya ng network si Willie Revillame. Matapos kasing layasan ni Willie ang ABS CBN 2, malamang ay sa TV5 siya lumipat. Si Joey naman, dalawa ang show sa Kapatid Network, ang Wow, Meganon? kasama ang comic DJ na si Mr. Fu at ang game show na House or Not.

Sa panig ni Willie, balitang magkakaroon ito ng daily noontime show sa TV5. Although hindi pa ito kumpirmado talaga, balitang magiging pre-programming ito ng showbiz talkshow na Juicy, hosted by Cristy Fermin, Mo Twister at iba pa. Incidentally, ang Juicy ay umeere na ngayon ng live, daily mula 11:30 –12:30 ng hapon at may replay tuwing 11:30 ng gabi.

Back to Joey Boy, itinanggi niya ang napa-ulat noon na magre-resign siya kung papasok sa GMA-7 si Willie, na hindi rin naman nag-materialize. Okey lang din daw kay Joey kung makakasama niya na sa isang network si Willie.

“Desisyon iyan ng management, wala akong power para pigilan. ‘Tsaka hindi ko naman pipigilan, trabaho ‘yan, eh. Siya (Willie) lang naman ang nagpapaalis ng tao, hindi naman ako!” pabirong esplika ni Joey.

Ngunit diretsahang inamin ni Joey na malabong mangyari na magkasama sila ng TV show ni Willie.

“Malabo siguro ngayon, kasi ang dami ko nang ginagawa na, may mga radyo pa nga akong iniisip ngayon eh. Baka mawalan na ako ng time sa ibang bagay. Basta walang problema sa akin. Hindi naman ako ganoong tao, eh.”

So, iyon na ‘yun. Although hindi ako masosorpresa kung mayroong makaka-isip na pagsamahin sina Joey at Willie sa isang pelikula. Tapos, may guest appearance si Jobert Sucaldito, hindi ba hanep iyon at talagang wow na pambulaga!?

PAPARAZZI, LALONG TUMATAPANG

Nakatutuwa ang Paparazzi last Sunday, marami kasing interesanteng kaganapan doon. Bukod sa tuksuhan between sa dalawa sa hosts nito na sina Ruffa Gutierrez at Mo Twister, ang mga blind items nila ay kaabang-abang talaga.

Kaya dapat ay lagi silang matapang sa blind items, mas mabuti kung papangalanan nila. Kaya nakakabilib itong si Mo dahil may tapang siya.

Last Sunday nga sa kanilang Hulala Portion na tampok ang mga artistang kuripot, pinangalanan niya ang isa sa mga tampok sa kanilang listahan, ang Concert Queen na si Pops Fernandez. Ayon pa sa Paparazzi, si Aga Muhlach ang pinakamatindi pagdating sa kakuriputan. Na para sa amin ay wala namang masama talaga dahil hindi naman krimen ang pagiging kuripot.

Napansin din namin, lalong gumaganda ang chemistry ng mga hosts ng Paparazzi. Kaya lang, parang hindi masyadong palaban itong si Dolly Ann Carvajal lately, na opposite naman sa pagiging palaban sa mga intriga ng veteran TV host na si Ms. Cristy Fermin.

Talagang marami ang nag-aabang sa Paparazzi every Sunday afternoon sa TV5 dahil hitik sa intriga, maiinit na showbiz balita, exclusive interviews at ito ngang blind items nila. Lalo na kung magiging matapang lagi ang nasa panel at tutumbukin talaga nila ang mga pinahuhulaang stars. Mas okay iyon at magugustuhan ng televiewers. Birada/Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply