Juday, na-shock nang makitang baklang-bakla si Ryan

Sa ginanap na make-up test ni Ryan Agoncillo para sa kanyang pagpapapel bading sa Lady Dada, pinakabagong palabas ng Kapatid network na magsisimulang mapapanood sa Septembre 8 ay sdyang pinapunta nila si Judy Ann Santos at Yohan para makita ang magiging hitsura ng TV host.  Natawa umano ang bagets na makita ang ‘tatay’ na naka-make-up at si Juday ay na-shock sa kinalabasan ng mukha ng asawa dahil magandang-maganda ito sa kanyang mestisa feature.

Kampante si Ryan na gampanan ang papel ng isang impersonator sa isang comedy bar o isang drag queen dahil wala siyang pagdududa sa kanyang pagkalalaki.  Pumayag pa nga siya na magpa-wax para maalis ang kanyang mga balahibo, magsuot ng high heel sa kanyang song and dance numbers at ang matindi, ang pag-ipit sa kanyang ‘manoy’ sa pagitan ng kanyang dalawang hita.  Aniya, ito na ang pinakamahirap na nagawa niya sa tanang buhay bilang isang artist at nagpahayag pa itong hindi na niya ito muling gagawin.

May offer noon si Ryan na magpapel bakla sa isang pelikulang kasama sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual pero hindi ito nag-materialize.  Kung natuloy ito, tiyak magdadalawang isip siyang tanggapin ito dahil he considers himself as a partime actor and more on hosting.

Sa Lady Dada ay agad nitong tinanggap dahil para sa kanya sa titulo pa lang ay panalo na lalo na mula ang mga taong makakatrabaho niya ay gamay nito sa trabaho tulad nina  Direk Joyce Bernal at production design Direk Ga.

Sa tanong kung bakit tinaggap nito ang papel na bakla, pagpapatunay ba ito sa kanyang tunay na pagkalalaki?  Game naman niya itong sinagot na nakakasiguro siya ngayon pero hindi lang nito matiyak kung nandoon pa rin ang kanyang pagkalalaki pagkatapos ng palabas.  Tawanan!

Do you think, it is a great mistake to do a gay role?  “Well, you know, it would had been a major, major mistake if I didn’t do this show because I would have intriga.  So, I would be very happy to do this, I thank you.”

EDGAR ALLAN GUZMAN, MAY RESPETO SA SARILI KAYA AYAW PUMATOL SA BADING

Walang kiyeme si Edgar Allan Guzman sa pag-amin na mayroon siyang kapatid at isang tiyuhin na bakla kaya naman malaki ang kanyang ibinibigay na respeto sa mga bakla.  Isa siyang bakla sa Lady Gaga bilang lover ni Keempe de Leon na pumapapel din na  bakla.  Nilinaw nito na puwede siyang pumatol pero sa tunay na buhay ay hindi niya magagawang pumatol dahil babae ang kanyang gusto.

Nilinaw nito na kahit may lahi silang bakla ay hindi mangyayaring magiging bakla siya dahil sa babae lang siya nararapat.  “Dapat minamahal ang mga bading pero sa punto pong ganoon, hindi po.  Babae talaga ang gusto ko.  Sa iba nagkatotoo pero sa akin siguro respeto ko na lamang sa sarili ko.  Hindi po sa ano pero wala, wala talaga akong nararamdaman pero dapat mahalin ang mga bakla.” Alex Datu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply