Jueteng kinumpirma sa Bikol

KINUMPIRMA ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na talamak na talamak ang jueteng sa kabikulan o buong Rehiyon 5 na siyang nag-udyok upang maghain ang partido ng resolusyon na nagsusulong sa imbestigasyon dito.

Ngunit wala pa naman aniyang kongresistang lumapit sa kaniya upang hilingin na ipatigil ang imbestigasyon sa kabila ng pagbubunyag ni retired Archibishop Oscar Cruz na maraming kongresista ang tumatanggap ng jueteng payol o kaya ay jueteng operators.

“Kaya kung napapansin ninyo karamihan sa mga whistleblowers ay taga-Bicol,” ayon kay Batocabe sa lingguhang balitaan sa Serye.

Sa panig naman ni  Kabataan partylist Raymond Palatino ay tiniyak niyang may tatamaang kongresista sa imbestigasyon ng jueteng kung kaya nanawagan siya sa administrasyong Aquino na sugpuin ito.

“Tiyak na may tatamaan. Maraming lords sa Congress, may gambling lords, jueteng lord, warlord at drug lord.  We should not legalized jueteng. Anti poor ito kaya dapat pati STL na front sa jueteng ay dapat itigil,” giit ni Palatino.

Ngunit sinansala naman ito nina Batocabe, Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla at dating DBM Secretary Jose Diokno na pawang pumapabor na gawing ligal ang jueteng sa bansa upang mapakinabangan aniya ito ng taumbayan. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply