Jueteng panakip butas sa mga krimen sa Pinas

MARIING kinokondena ng mga civil society at religious group ang ginagawang imbestigasyon sa mataas na kapulungan ng Senado hinggil sa jueteng na dapat sana’y bigyang pansin ang iba’t ibang kriminalidad na nagaganap sa bansa dahil sa wala namang kinahahantungan at walang napaparusahan.

Ayon kay Nilo Alvarez ng Civil Society, sawang sawa na ang mamamayan sa araw-araw na usapin hinggil sa jueteng scandal na ibinubulgar ni Bishop Oscar Cruz at natatabunan na ang isyu hinggil sa segudidad ng bansa kung saan sunud-sunod na naman ang holdapan, partikular sa buong Kamaynilaan at walang nahuhuling salarin.

Wala na umanong inatupag ang mga mambabatas kundi magsagawa ng imbestigasyon at bakit hindi na lamang ipaubaya sa NBI at DOJ upang makasuhan kung sino man ang nasasangkot sa naturang usapin.

Kamakalawa ay dalawang magkasunod na holdapan ang naganap sa Pasay City kung saan pitong estudyante na nakasakay sa isang FX ang hinoldap ng tatlong kalalakihan na nasundan kinabukasan sa isang sangay ng LBC sa Pasay Rotonda.

Nananawagan ang mga grupong nabanggit sa ilang mga mambabatas na isang tabi muna ang issue sa jueteng bagkus utusan ang buong sangay ng PNP sa pamumuno ni Police Director General Raul Bacalzo at pagtuunan ng pansin ang laganap na krimen sa bansa. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply