Jueteng sa Metro ipinalalansag ni Bacalzo

NAGBIGAY ng kautusan ang bagong hepe ng Phillipine National Police na si PNP Director General Raul Bacalzo na lansagin ang iba’t ibang illigal na sugal sa buong bansa, partikular sa National Capital Region hinggil sa One Strike Policy laban sa illegal number games.

Mariing inatasan ni PNP Chief Bacalzo ang lahat ng regional director at provicial director na hulihin ang lahat ng mga nag-ooperate ng illegal numbers maging sa mga karatig lalawigan, lalo sa buong Kamaynilaan  kung saan kumikita ng milyon-milyong piso kada araw at nagbibigay ng lingguhang payola mula sa jueteng,video karera, loteng at fruit game, na umano’y ilang mga opisyal ng PNP ang mismong nakikinabang.

Samantala ang National Capital Region Police Office nama’y sangkot din sa illigal numbers partikular na sa mga tinatawag ngang sugal lupa kung saan isang PO3 Aguas ang nangongolekta araw-araw at  ibinibigay ang koleksiyon kina Col. Johnbul at isang Col. Jun Santiago na nagbibigay proteksiyon sa mga iligal na pasugalan.

Ayon pa sa impormasyon, mahigit sa P800,000 ang nakokolekta ng mga nabanggit na opisyal upang hindi hulihin ang mga iligalista sa buong Metro Manila.

Posibleng paimbestigahan ng National Police Commision NAPOLCOM at DILG ang mga opisyal ng NCRPO hinggil sa pagpoprotekta sa mga malalaking gambling lord. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply