Kaaway ni itay sinaksak ng anak

DAHIL sa pagiging agresibo, maagang naging kriminal ang 16 anyos na binatilyo nang saksakin ang barangay tanod na nakaalitan ng ama kamakalawa ng hapon sa San An-dres Bukid, Manila.

Pansamantalang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Deve-lopment (DSWD) ang suspek na itinago sa pangalang Utoy habang ang ama nito ay nasa kustodiya ng MPD-Sta. Ana Police Station.

Huli namang iniulat na kritikal ang biktimang si Rolando Monte, 34, tanod ng 2371 Agua Marina St., San Andres Bukid.

Posible umanong inalala ng binatilyo na matatalo sa away ang ama sakaling mauwi sa suntukan kaya inunahan na nito ang biktima at agad sinaksak. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply