Kaban ng bayan, sinimot ng GOCCs

IBINULGAR pa rin  ni Sen. Franklin Drilon na mahigit sa ikatlong bahagi ng kabuuang pambansang badyet ang nilalamon ng Government Owned and Controlled Corporation (GOCCs) bilang pambayad sa pasahod, maintenance and other operating expenses (MOOE) at capital outlay.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on finance hinggil sa mga matatabang sahod at bonus ng mga GOCCs, sinabi ni Drilon na 14 sa 157 GOCCs ang lumalamon sa ikatlong bahagi ng pambansang badyet o umaabot sa P532.25 bilyon na inilaan ng Kongreso sa pamahalaan.

“One-third of the total expenditure in the entire government would go to the GOCCs, and yet they have gone on their merry way, they have been their own Congress, they have been their own BIR and Finance and they have been their own department,” ayon kay Drilon.

“It’s about time that we take a serious look on such a huge portion of our national expenditure program which is not monitored. Nobody is looking into these GOCCs with much detail,” dagdag niya.

Kabilang sa 14 na mahigpit na minomonitor ng Senado ang National Food Authority, National Irrigation Administration, National Electrification Administration, National Power Corp., Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. and National Transmission Corp. (counted as one), Philippine National Oil Co., National Housing Authority, Local Water Utilities Administration, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, National Development Corp., Light Rail Transit Authority, Philippine Economic Zone Authority, Philippine National Railways, Philippine Ports Authority at Home Guaranty Corp.

Iminungkahi naman ni Finance Secretary Cesar Purisima na dapat sakupin din ng monitoring body ang mahigit 588 water districts at electric cooperatives sa buong bansa dahil kumakatawan sila ng malaking pagkakautang sa pamahalaan.

Sa kabuuan, umaabot lamang sa P4.29 trilyon ang kabuuang halaga ng ari-arian ng mga GOCCs noong 2008 kumpara sa P3.85 trilyon noong 2007 pero mahigit 43 porsiyento naman ng pambansang utang ang nilamon ng GOCCs. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply