Kailangan natin ng lider na gaya ni Leila

Ang gusto ng tao ay matatag na liderato. Ang hanap ng mamamayan ay lider na masasandalan at maaasahan. Sa mga batikos na natatanggap ngayon ng mga bata ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa mga sunod-sunod na problema ng bansa maraming disappointed sa parang kahinaan ng mga pinunong ito na niluklok ni PNoy sa mga mahahalagang pwesto sa gobyerno.

Kaya ‘breath of fresh air’ ika nga si Justice Secretary Leila de Lima. Si Ma’am na teacher ko sa law school, isa sa mga pinakamagagaling na nadaaanan kong guro. Make or break situation ito kay Ma’am Leila.  Malaki ang impact ng magiging resulta ng imbestigasyon ni Leila de Lima sa administrasyong Aquino.

Ang kredibilidad ng imbestigasyon, ang tiwala ng tao sa magiging resulta nito at ang mga gamot sa sugat na pwede nitong idulot sa buong bansa ay nakasalalay sa liderato ni Justice Secretary Leila de Lima. Acid test it okay Ma’am na maaring maka-redeem sa pamunuan ni Aquino.

Kaya nga marami ang umaangat ang kilay kung bakit kasama ni Ma’am si Jesse Robredo sa investigation team. Wala nang kredibilidad si Robredo sa panahong ito. Mababa ang tiwala ng tao sa kanya kaya hindi sya nakakadulot ng maganda sa mataas namang kredibilidad ni Leila de Lima.

Naalala ko tuloy ang mga klase ko sa abogasya under kay Ma’am Leila de Lima.  Mabait si ma’am, magaling magturo pero mahigpit at diretso. Sa klase ng kanyang pagtatanong malalaman nya talaga kung sino ang estudyanteng may alam, kung sino ang clueless, kung sino ang nag-aral o hindi nagsikap na matutunan ang mahihirap na detalye ng batas.

Habang pinapanood ko si Ma’am sa TV naiisip ko na kung sino sa mga opisyal ng gobyerno na involved sa hostage-taking tragedy ang papasa kay Leila de Lima, ang babagsak, ang maa-abswelto o mabubuking.  Anong grade kaya ang makukuha nila kay Ma’am at kung anong rekomendasyon ang ibibigay ni Ma’am kay Noynoy sa kung sino talaga ang dapat managot sa kapalpakan na nasaksihan ng buong mundo noong Aug. 23 sa Quirino Grandstand.

Alam kong walang balak na malayong direksyon sa pulitika si Leila de Lima. Alam ko na ang focus at dedikasyon nya ngayon ay mabigyan ng magaling at kagalang-galang na Justice Secretary ang administrasyong Aquino. Alam kong mahalaga kay Ma’am ang legacy na iiwan nya bilang isa sa mga Kalihim ng Aquino administration.

Pero sa mga tulad ko na big fan ng teacher ko, at sa mga sumusubaybay sa kanyang political career, alam kong ito na ang pagsubok at hamon sa kanya na maaring magpatunay kung ano ang kaya nyang gawin at kung gaano kalayo pa ang dapat nyang marating bilang public servant at government official.

Kailangan ni PNoy ang marami pang katulad ni Ma’am Leila, isang lider na matatag at isang public servant na pwedeng asahan at pagkatiwalaan lalo sa gitna ng krisis at sa gitna ng mabibigat na hamon sa bayan at sa bansa.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito sa 09215186724. O kaya ay email sa: ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply