Kalat pa rin ang sugalan sa Caloocan

DAPAT na kumilos ang mga tauhan ng Intelligence Branch at Station Investigation Detective Management Branch ng Caloocan City Police laban sa nagkalat na iligal gambling.

Noon pa natin tinatawag ng pansin si Caloocan City Chief of Police, Sr. Supt. Jude Santos dahil hindi kumikilos  si Chief Insp. Crisencio Galvez at Chief Inspector Rodrigo Soriano laban sa mga nagkalat na iligal na sugal sa lungsod ng Caloocan.

Ipinagmamalaki nitong si “Boy Edmon” hari ng lotteng, jai-alai na nagkalat diyan sa Caloocan malakas ito sa ilang opisyal kaya hindi matinag ang iligal na pasugalan nito.

Ang matindi isang alyas Jimmy ang nagdadala raw ng payola sa Caloocan City Headquarters?

Hindi lamang loteng ang nagkalat sa Caloocan, kundi humahataw rin ang iligal bookies karera ni
Danny Camote na pinamamahalaan ni Nancy, at nagkalat din ang juetengan sa Bagong Silang ng gambling lord na si Tony Bolok Santos, ang Central 1 at Central 2 saka sa iba pang lugar sa Caloocan.

Bakit hindi kumikilos pa rin itong si SR. Supt. Santos gayung panay na ang pagbubunyag hinggil sa jueteng diyan sa Senado.

Dapat na ipatawag din itong si Sr. Supt. Santos dahil sa pagbibigay niya ng proteksiyon sa iligal gambling.

PAGSUGPO SA JUETENG PINALAKAS

Inatasan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lokal na pulisya na palakasin ang kampanya laban sa jueteng at iba pang iligal na sugal upang maging malinis ang buong lungsod sa lahat ng illegal vices.

Kasabay nito, sinabi ni Echiverri na huwag mangimi ang lokal na pulisya na kasuhan ang mga taong mapapatunayan na may kinalaman sa iligal na sugal nang sa gayon ay matakot ang mga kapitalista na maglagay ng sugal sa nasabing lungsod.

Nagbabala pa ang alkalde sa mga awtoridad na sakaling mapatunayan na may kinalaman ang ilan sa mga ito sa pagpapatakbo ng iligal na sugal sa lungsod ay hindi magdadalawang-isip ang lokal na pamahalaan na sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso.

Nakiusap din ang alkalde sa mga residente na huwag tangkilikin ang anumang iligal na sugal dahil ayon pa dito, kapag walang tumataya sa jueteng ay kusang umaalis ang kapitalista nito sa isang lugar.

Nalaman natin na dahil sa kautusan na ito ni Echiverri ay agad na nagsagawa ng operasyon ang Caloocan City Police na pinamumunuan ni Sr. Supt. Jude Santos na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong katao na nagpapataya ng iligal na sugal na lotteng sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod.

Susme,lalaban ako nang putulun ng itlog na moro-moro lang iyan. Sino ba naming bobo na ipatitigil ang jueteng gayung malaking  pera nakukuha riyan.

Pustahan tayo, hindi kayang pataubin ang jueteng sa Pinas, lalo pa nga’t malalakign pangalan ang nasasangkot.

Kaya par akay Mayor Echiverri, mas maniniwala ako na sensiro kayo sa inyong ginagawa kung mismong ugat ang gagapasin ninyo at hindi ‘yung mga galamay lamang! Banggain ninyo ang pinanser kung kaya ninyo!

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya s ainyogn paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Silip Pansin/Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply