Kamara eeksena rin sa hostage inquiry

APAT na matataas na opisyal ng administrasyong Aquino ang ipatatawag ng Kamara sa sandaling simulan na ang imbestigasyon ukol sa madugong hostage crisis noong August 23 sa Quirino grandstand.

Sa lingguhang press conference ng Minorya, tahasang sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman na ipipilit ng oposisyon na magkaroon ng sariling imbestigasyon ang Kamara sa kapalpakan sa naturang insidente ng hostage kahit naglabas na ng rekomendasyon kay Pangulong Aquino ang incident investigation and review committee (IIRC).

Sinabi ni Lagman na kabilang sa nais nilang irekomenda na ipatawag sina Interior and Local Government Secretary Jesse Robrero, mga pinuno ng Communications Group ng Malakanyang na sina Secretary Ricky Carandang at Ricky Coloma.

Ipatatawag din ng Kamara si Justice Secretary Leila de Lima para pagpaliwanagin kung ano ang prosesong ginamit sa pag-iimbestiga at bakit hindi kasama sa mga inirekomendang patawan ng sanctions ang matataas na opisyal ng gobyerno gaya ni Robredo gayong ito ang may malinaw na pananagutan sa kaso.

Ayon kay Lagman, “hindi kami kuntento sa kinahinatnan ng imbestigasyon ng IIRC lalo na sa mga opisyal at indibidwal na inirekomendang makasuhan.”

Partikular aniyang kakalampagin ng minorya ang House Committee on Good Government at Public Order and Safety na agad siyasatin ang isyu lalo pa’t may mga nakabinbing panukala na humihiling na ma-imbestigahan ang isyu. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply