Karahasan sa bar exams

NAKAPANLULUMO ang balitang 47 na ang nasugatan sa pagsabog ng fragmentation grenade sa labas ng Dela Salle University sa pagtatapos ng Bar Examinations.

Ibinato ang granada ng isang hinihinalang frat member sa kinaroroonan ng kalabang frat group ngunit bumagsak ito sa grupo ng nagkakasayahang mga estudyante ng San Beda College of Law.

Hindi malilimutan ni Joanna Ledda, Bedista, ang resulta ng 2009 Bar Exams na nasungkit ng kolehiyo niya ang 1st at 2nd  places, maliban sa 95% passing average ng eskwelahan niya.

Subalit mas ‘di niya malilimutan ang pagsabog noong Linggo dahil nagtamo siya ng shrapnel wounds sa paa na naging dahilan ng pag-amputate nito.

Naging tradisyon na ang post-Bar Exams revelry ng lahat dito.

Hindi nga naman biro ang kumuha ng GRUELLING na pagsusulit sa ipinapalagay na pinaka-GLAMOROUS at PODEROSONG propesyon sa bansa: ang abogasya.

Walong subjects ang binubuno sa umaga’t hapon sa sunod-sunod na apat na Linggo.  At lalong hindi biro ang pumasa ng Bar. Kailangang maitala ng examinee ang general weighted average na hindi bababa sa 75% at walang markang bababa sa 50% sa kahit isang subject.

Kaya naman heaven na ang pakiramdam ng examinee kapag natapos niya ang apat na Linggong pagsusulit at sine-celebrate na agad niya ito kahit di pa tiyak na papasa.

Sa simula, walang naging problema ang pagbubunying ito ng mga examinee at kaibigan/tagasuporta.

Hanggang sa dumating ang kumpetisyon ng law schools sa taunang resulta ng Bar Exams, ginawa ng kani-kanilang estudyante/academic communities na UNOFFICIAL na batayan ng kani-kanilang GALING o KALIDAD, KUNO.

Ang persepsyong ito ay sinakyan ng mga mag-aaral ng iba’t ibang law school, lalo na ang mga Manila-based,  at  dumating sa puntong nagkakapalitan na sila ng matitinding kantsawan, insultuhan, murahan at iba pa sa lugar.

Ngunit kung sa pasimula ay inter-school lang ang naging gitgitan, noong sumibol ang fraternities/sororities mula dekadang 70 hanggang sa kasalukuyan ay naging intra-school na ang asaran/hidwaan. Nagaganap na ito kahit sa loob ng isang kolehiyo/unibersidad mismo hangga’t may magkakatunggaling fraternities/sororities.

Wala tayong quarrel, ika nga, sa pagkakaroon ng frats in school campuses. But their sowing acts of terrorism/violence kada Bar Exams as their way of  expressing support to their respective brods/sis taking the exams is an act of  senseless uncivility that can never be justified.

IRONIC din ang mga karahasang yan, kung iisipin lang na-tin na ang Bar Exams ang tanging batayan ng Korte Suprema sa taunang pagdadagdag nito sa talaan ng mga lisensyadong tagapagtanggol ng katarungan at tagapagtaguyod ng umiiral na batas sa buong bansa!

Masasabi nating ang Bar Exams-related VIOLENCE ay umabot na rin sa CRISIS PROPORTION. (May karugtong)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply