Karahasan sisiklab sa Mindanao-Obispo

KARAHASAN SISIKLABSA MINDANAO–OBISPO

Nagpahayag ng pangamba ang isang mataas na lider ng Simbahang Katoliko hinggil sa posibleng pagsiklab ng karahasan sa Mindanao, kasunod ng pagtatapos ng panahon ng Ramadan.

Ayon kay Jolo Bishop Angelito Lampon, naghahanda na sila sa posibleng pagsiklab ng kaguluhan sa kanilang lugar dahil batay sa kanilang mga karanasan sa mga nakalipas na taon, kalimitang nagkakaroon ng kaguluhan sa pagtatapos ng Ramadan.

Laking pasalamat nga aniya nila na nagpasya ang pamunuan ng pulisya at militar na itaas ang alerto sa lugar mula pa noong Lunes.

Idineklara rin ng Malacanang ang araw ng Biyernes, bilang non-working holiday, dahil sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Una nang sinabi ng military at pulisya na sasailalim sila sa full alert status upang matiyak na walang karahasang magaganap sa Mindanao.

Isa anila itong precautionary measure laban sa posibleng retaliatory attack mula sa mga bandidong Abu Sayyaf group matapos na mapatay ng mga pulis ang kanilang kumander at dalawang kasamahan.

Kaugnay nito, hinimok ni Lampon ang mga taong posibleng nagpaplanong manggulo na huwag nang ituloy ang kanilang masamang balak.
(subhead) GRP-MILF peace talks tuloy na

Umaasa ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na sa pagtatapos ng Ramadan ay matutuloy na rin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, na siyang chairman ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue ng CBCP, ito na ang pinakamagandang pagkakataon para isulong ang peace talks dahil mas malaki aniya ang tiyansa na magtagumpay na ito.

Una nang inianunsiyo ng pamahalaan at ng MILF na itutuloy na nila ang naudlot na peace talks sa oras na matapos ang Ramadan. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply