Karampatang bayad sa holiday, pinaalala

Muling pinaalala kahapon ng Department of Labor and Employment ang kaukulang bayad na dapat matanggap ng mga manggagawa sa araw ng Eid’l Fitr na isang non-working holiday.

Batay sa panuntunan na ipinalabas ng DOLE, ang mga empleyado na magtratrabaho kahit regular holiday ay dapat bayaran ng 200 porsyento ng kanyang arawang sweldo sa unang walong oras at dagdag na 30 porsyento sa mga susunod na oras.

Nabatid na sakaling natapat na day off o rest day ng empleyado, dapat pa rin itong makatanggap ng buong 100% ng kanyang arawang sweldo. Benedict Abaygar, Jr.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply