Kasal nina Robin at Mariel, kuryente?

NILOLOKO ba tayo ni Robin Padilla at ng ABS-CBN?

Nasa news ang balitang ikinasal na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa dalawang seremonya noong September 13 sa Baguio City.

Ang una ay sa isang Ibaloi ceremony officiated by a certain Jimmy Ong at ang pangalawa ay sa isang pastor sa naturang lungsod.

Dala rin ng balita’ng mga footages ng kasal na may kasama pang pag-congratulate at pag-iyak ng mga kamag-anak ng dalawa.

Pero heto, nagpa-interview si Robin sa Philippine Entertainment Portal at narito ang excerpts ng interview:

“Walang kasal na naganap!” ito ang maikling pahayag na binitiwan ng action star sa PEP (Philippine Entertainment Portal)  pagtatapos na ng kanyang press conference para sa Liwanag ng Kapayapaan Foundation (LKF) kahapon, September 18, sa Maple Street, West Avenue, Quezon City.

“Mga artista kami at mayroon kaming show na kung ibibigay namin ang mga detalye ay paano naman ang show naming iyon? Basta sa ngayon, ito na muna ang nagaganap na kabanata sa pag-iibigan namin ni Mariel.

“Abangan na lamang po natin ang iba pang magaganap, at humihingi kami ng patawad sa mga kalituhan na nangyari,” aniya.

Ang tinutukoy na “programa sa ABS-CBN” ay ang sitcom na pagtatambalan nila ni Mariel.

Matapos ng maiksing pahayag ay ayaw nang pag-usapan pa ni Robin ang tungkol sa kasal.

Nagpakita na ito nang kaunting iritasyon sa pag-urirat ng media rito.

Ang gusto lang daw niyang pag-usapan ay ang tungkol sa Foundation.

KAGULUHANG MALAKI

Malaki ngang kalituhan ito. Hindi na nga lang “kalituhan.” Kaguluhan.  Ang tanong: Anong laro ito? Nino? Para sa ano?

Ano ang game plan ni Robin?

Ito ba ay para mapahinahon ang mga nagbigay sa kanya ng product endorsements? May nakasaad ba sa kontrata niyang nagbabawal ng sudden marriage?

Kung hindi, bakit biglang itinatanggi ang kasal? Nakita na ang lola ni Mariel na umiiyak sa E-Live, kahapon September 18, dahil sinabihan lang daw sila ni Mariel tungkol sa kasal nang matapos na ito. Sa E-Live rin, pati ang kapatid ni Mariel ay nag-congratulate sa nangyaring kasal.

Kung hindi nga ito tunay na kasal at para lang sa isang show, may sanction ba ang ABS-CBN para sa ganitong promotional gimmick?

Kung ganun, bakit ibinalita ito sa sariling news program bilang isang wedding? Nagkulang ba ng coordination ang news and public affairs division nito at ang entertainment division?

Napabalita na sa lahat ng media ang kasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Una ngang nireport ito sa TV Patrol, ang news program ng mismong ABS-CBN, noong September 16.

Pinikup ito ng maraming websites, kasama na ang PEP.

Lumabas din ang istorya sa mga major broadsheets nuong September 18.

Ayon sa Inquirer, na sa pagkakasulat ay gumawa ng sariling pananaliksik: “The priest thought it was just a movie shoot. Monday in Baguio City, actor Robin Padilla and television host Mariel Rodriguez were wed in a tribal ceremony officiated by an Ibaloi mambunong (ritual priest).

‘The secret rites were held in a compound owned by Padilla’s relatives in Barangay Camp 7.

“Marvin Binay-an, barangay captain, said many of the participants were given details of the event on the day itself.”

Sabi ng Philippine Star, citing a report from the website of ABS-CBN: “Jimmy Ong, the mamburong who performed the ceremony, confirmed to ABS-CBN News in an exclusive interview on Thursday that the ceremony took place last Sept. 13 at 3 p.m.

“Ong said he initially thought he was just attending a shooting, but was caught by surprise when he found the couple (Robin and Mariel) wearing the traditional clothes of the Ibaloi.

“Tanong daw ni Ong kay Robin: Kasal ba talaga ito? Sabi niya, Oo, kasal talaga. Kaya sinimulan ko na.

“Uminom ng rice wine at sumayaw ng Tayao ang dalawa to show that they are officially married, ayon kay Ong.

“‘Ang kasal na ito ay legal sa kultura ng mga Igorot, binabasbasan ko sila na hanggang kamatayan magsasama sila,’ ayon sa mambuburong.”

Batay sa unang report ng ABS-CBN news Baguio reporter Mira Wallis, na inere ng TV Patrol World nung September 16: Dalawang beses daw ikinasal si Robin at Mariel sa Baguio City noong September 13.

Ang una raw ay sa pamamagitan ng isang Ibaloi ceremony. Isang pastor naman daw ang nag-officiate sa pangalawang kasal.

Kahapon, naka-sentro ang usapan sa foundation ng action star. Pagkatapos na lamang ng presscon nakausap ng PEP ang aktor tungkol sa naganap na kasalan.

Nabanggit ang nangyayaring pagtuligsa sa pagpasok ni Robin sa rituwal na Ibaloi gayong isa siyang Muslim.

“Ako, Igorot ako. Mga kamag-anak ko iyon. Pero ako, hindi ako gagawa ng isang bagay na sasagasa sa pananampalataya ko. Wala akong ginawang mali na magbibigay dahilan para talikuran ko ang pananampalataya ko.

“Kung sinuman ang naghusga sa akin, hindi niya alam ang pananampalataya niya,” mariing sabi pa ni Robin.

So there!

Hinintayin po natin paliwang ng ABS-CBN tungkol sa kagluhang ito. Pero masarap ding abangan ang reaksyon ng mga news institution na kinuryente ng balitang nagpakasal na nga sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

HEART EVANGELISTA, DANIEL MATSUNAGA CONFIRMED ANG RELASYON

Paikot-ikot lagi ang sagot ni Heart Evangelista sa tuwing siya ay tinatanong tungkol sa tunay na estado nila ni Daniel Matsunaga. As we all know, si Daniel na talaga’ng lalaking ipinalit ni Heart sa isang pulitikong naging karelasyon niya.

Lumabo nga ito nang lumabo at ngayon, silang dalawa na ni Daniel, yung Brazilian-Japanese model who’s trying to make it as an actor dito sa atin.

Bumalik na mula sa dalawang linggong pagbabakasyon sa Amerika si Heart Evangelista. Before this, mismong si Daniel ang nagsabing sinagot na siya ni Heart.

Naging malapit sa isa’t isa sina Heart at Daniel nang nagkasama sila sa katatapos lang na drama series ng GMA 7, ang Langit Sa Piling Mo. At tila isang kumpirmasyon ang pagsundo sa airport ni Daniel kay Heart. May dala-dalang bouquet of flowers ito para sa aktres.

Sa kuwento naman mismo ni Heart naipakilala na niya si Daniel sa kanyang pamilya, ang mga Ongpauco, na kilalang may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants.

Ang matipid niyang kuwento, “They like him a lot. He’s very nice. Yeah…”

Sinang-ayunan naman ito ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco, “Opo, okay naman po. Mukhang mabait naman po. Sana po talaga, sincere dahil as Heart’s ate, I’m very protective. So kung saan siya masaya, ‘di masaya na rin ako.”

Ano naman ang masasabi ni Daniel sa pamilya ni Heart? “Really nice,” ang kanyang nasambit. “Like when I met them the first time, you know, I talked to the father. Everybody was so nice to me. I felt comfortable. I’m really happy!”

So there! Madiwara/Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply