Katutubong Aeta, Mangyans, Dumagats, sasabak sa 2010 Asean Tribal Games

Sa kauna-unahang pagkakataon ay matutunghayan ang 2010 Asean Tribal Games na gaganapin sa
Setyembre 15-16, 2010 sa Nunuk Ragang Ranau, Sabah, Malaysia na siya namang lalahukan ng ating mga katutubong delegado na binubuo ng mga Aetas, Mangyans at Dumagats.

Kabilang sina Conchita Consada, Jerry Manalo at Danilo Tecson na siyang tatayo bilang mga team captains. Kasama ang mga atletang sina Arnolfo Bernardo, Reynaldo Panagsagan, Ryan Pacifico, Marlon Luna, Ricardo Turgo, June Ablong, Manalo Ablong, Dumlao Naval at Jimmy Ablong.

Kilala si Consada opisyal mula sa tribong Dumagat na tubong Quezon Province habang si Manalo ay isang edukador na mula sa tribong Mangyan sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Samantalang si Tecson ay siya namang tumatayong chieftain ng tribong Aeta mula sa Mabalacat, Pampanga.

Sasabak ang ating mga delegadong katutubo sa iba’t-ibang larangan kabilang ang boat race, foot race, archery at traditional dance.

Para sa foot race pambato ng bansa sina Bernardo, Panagsagan at Pacifico habang sa larangan naman ng archery andiyan sina June, Manalo, Naval at Jimmy.

Layunin ng torneong ito na maipakilala ang iba’t-ibang kultura ng mga bansang kalahok kabilang ang Brunei, Malaysia at Indonesia.

Isa pa sa hangarin ng bansa ay ang maging susunod na punong abala ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Indigenous Tribal Games  sa darating na 2012.    CT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply