Kawatan timbog sa tinangay na pedicab

NAKULONG  ang isang binata nang magtapat ang may-ari ng junkshop na pagbebentahan sana nito ng ninakaw na pedicab, sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Jayson Maniego, 21, ng P. Faustino st., Punturin, ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na dakong alas-5:00 kamakalawa ng umaga nang tangayin ng suspek ang pedicab ng kapitbahay na si Ernesto Dapar, 35-anyos.

Kinaumagahan, naghanap si Dapar nang pagbebentahan ng kanyang ninakaw na hanggang sa mapagtanungan nito si Eden Capanay, may-ari ng isang junkshop sa Valenzuela City.

Sinabi ni Capanay na nagpunta sa kanya ang suspek at ibinebenta ang dalang pedicab subalit hindi niya ito binili dahil sa hinalang ninakaw ito.

Kaagad na nagsadya sa presinto ang biktima at nagpasama sa bahay ng suspek kung saan nakitang nakatago ang nakaw na pedicab na naging dahilan upang damputin ang huli ng pulisya. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply