Kelot na naghabol sa ka-chat patay sa hit and run

NAUWI sa trahedya ang ba-lak sanang pag-iinternet ng hindi pa nakilalang la-laki makaraang masagasa-an ng humahagibis na pampasaherong jeepney at takbuhan pa sa kahaba-an ng  Kamuning Road sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay ha-bang isinusugod sa East Ave-nue Medical Center ang bikti-ma na inilarawan lamang na nasa 45-50 anyos, katamta-man ang pangangatawan, 5’3”- 5’5” ang taas, naka-maong pants at white t-shirt na may nakatatak na “No fear.”

Sa inisyal na imbestigas-yon ni PO3 Perlito Datu ng QCPD Traffic Sector 4, pa-sado alas 5:00 ng madaling araw ay naglalakad ang bikti-ma sa Kamuning road patu-ngo sa isang computer shop na hinihinalang makikipag-chat.

Ngunit patawid na umano ito nang masalpok ng huma-harurot na pampasaherong jeep na hindi naplakahan.
Sinubukan ng MMDA Rescue team na isugod sa nasabing pagamutan  ang biktima ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.  AC

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply