Kilabot na holdaper natimbog

NAARESTO ang isang kilabot na holdaper makaraang maaresto ng mga rumespondeng barangay tanod makaraanh holdapin nito ang isang burger machine, sa Malabon City.

Kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police Station ang suspek na nahaharap sa mga kasong Robbery Hold-up na nakilalang si Elmer Laygo, 29-anyos, tricycle driver, residente ng Sampaguita st., Tanza, Navotas City pati na si Enrico Luces, 38, na nahaharap naman sa kasong (Obstruction of Justice), residente ng Rd. 5, Dampalit, ng nasabing lungsod, dahil sa pakikialam nito.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Edsel dela Paz, dakong alas-3:30 kahapon  ng madaling araw, nang maganap ang panghoholdap sa Naval st., Brgy. Flores.

Base sa salaysay ng biktimang si Rose Ann Agular, 20, dalaga, service crew, naninirahan sa 15 Nadurata st., 4th Ave., Brgy. 50 Caloocan City, kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng binabantayang burger machine nang dumating ang suspek.

Kaagad naglabas ng patalim ang suspek sabay pahayag ng hold-up saka mabilisang kinulimbat ang 2300 cellphone at cash na P1,700 na kita saka mabilis itong tumakas.

Kaagad namang humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang barangay tanod si Agular at hinabol ang suspek na naging dahilan sa pagkaaresto kay Laygo.

Habang inaaresto si Laygo ay nakialam naman si Luces dahilan upang bitbitin din ito patungong presinto ng pulisya. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply