Killer ibinulong bago natigok

NASABI ng 13 anyos na dalagita sa kanyang tiyuhin kung sino ang responsable sa panggugulpi sa kanya bago ito binawian ng buhay sa pagamutan sa Tondo, Manila.

Itinuro ng biktimang si Ronalyn Mercado, ng building 13 Katuparan Vitas, Ton-do ang isang Leo Abi na umano’y nambugbog sa kanya.

Nabatid sa tiyuhing si  Randy Mercado, habang isinusugod nila sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang dalagita matapos itong matagpuang nakabulagta dahil sa bugbog ay ibinulong nito na si Abi ang nanakit sa kanya.

Naantala umano ang pag-re-report ng pamilya sa pulisya hinggil sa sinabi ni Ro-nalyn dahil naging abala sila sa pagsasaayos sa libing nito.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek habang patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply